Cloth Diaper Tips for Working Moms

"Mommy Eds, maganda nga yang cloth diapers! Kung di lang ako nagtatrabaho, yan din gagamitin namin."

"Para lang naman sa stay-at-home moms yan eh, masyadong matrabaho kasi yan!"

I'm seeing/hearing these so many times. Understandable naman na may mga mommies na nag-aalangan talaga kasi as working moms, we already have a lot on our plate! Ayaw na natin ng dagdag stress.
 
Yes, cloth diapering sa working moms has a few challenges, pero kayang-kaya naman mommy! 💪
I know a lot of moms na working (madalas hindi pa work from home ha) na kinakaya mag CDs, and san pa ba tayo titingin, I'm a working mom too. 😉
I hope these tips can help busy moms na nagbabalak pa lang at kasalukuyan nang gumagamit ng CDs:

1. Have enough stash for 2 to 3 days.

I recommend a maximum of 3 days bago maglaba, para maiwasan ang molds at build-up ng bacteria. It's better na may extra CDs kung sakaling hindi na talaga kinaya maglaba agad sa sobrang pagod, may magagamit pa si baby.

2. Do something entertaining while preparing the CDs to make them ready to use.

Fold and stuff (paglagay ng inserts/soakers sa diapers) while watching TV or Netflix o habang nagchichismisan kayo ni mister at night. 🤣
Dito hindi mo mafi-feel na nakakapagod itong gawin. Minsan magugulat ka na lang natapos mo na pala. Once they're ready na sa cabinet ang CDs, you will find them just as easy to use as disposables.

3. Maximize your resources.

Wag pilitin mag handwash kung may washing machine naman! Para hindi mabanat ang garters, you can use Laundry net bag (wag siksikin) or i-snap ang diapers, then baliktarin para naka expose yung loob ng diaper.

4. Explain everything to the caregiver and everyone in the household.

Communication is the key. 🔑 Don't assume na alam na nila agad. Ipaliwanag simula sa kung paano isuot, tamang fitting hanggang sa tamang prewash.
Like in this photo di ba, pero clap clap pa rin kay daddy na atleast nag-try naman suotan ng CD si baby. 🤣🤣🤣
kapag si daddy ang naiwan magbantay kay baby

5. It's ok to have a cheat day.

Yes mommy, parang sa pagda-diet mo, pwede rin sa CDs. ✌️ Char!
You don't need to stress your self na dapat 100% CD lang talaga. Walang magja-judge sayo kung mapagamit mo man si baby ng disposable ng ilang beses, pag may okasyon, pag may lakad o tuwing gabi. Find what works best for you.

Cloth diapering isn't just for stay-at-home moms. Dumadali din yan habang tumatagal, kapag nabuild mo na ang CD routine na para sa inyo.

We have FREE 1 on 1 cloth diaper consultation. Just message us on our Facebook page to book a schedule.

https://www.facebook.com/Aimerieph

 

@aimerieph

Busy Mom ka ba na gustong gumamit ng Cloth Diapers? para sayo ang video na to.

♬ original sound - Aimerie

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published